Archives 10/31/2004 - 11/07/2004 11/07/2004 - 11/14/2004 11/14/2004 - 11/21/2004 11/21/2004 - 11/28/2004 11/28/2004 - 12/05/2004 12/05/2004 - 12/12/2004 01/02/2005 - 01/09/2005 01/09/2005 - 01/16/2005 05/28/2006 - 06/04/2006 06/04/2006 - 06/11/2006 06/11/2006 - 06/18/2006 06/18/2006 - 06/25/2006 06/25/2006 - 07/02/2006 07/02/2006 - 07/09/2006 07/09/2006 - 07/16/2006 07/16/2006 - 07/23/2006 07/23/2006 - 07/30/2006 08/06/2006 - 08/13/2006 08/27/2006 - 09/03/2006 Tag Me visitors Stigmatized Music Video
*Our Lives Movie Video
*Chrono Cross My Links
*The Calling Credits the calling |
|||
---|---|---|---|
Umalingawngaw ang batingaw hudyat ng pag-iisang dibdib Umilap ang mga matang kanina'y nagmamasid sa liblib. Dumaloy ang luhang matagal ng pilit na kumukunyapit. Pumailanlang ang hagulgol na kung ilang beses ng inipit. Hakbang papalayo ang tangi kong nagawa. Takbo, lakad, hikbi, isip ko ay balisa. Dasgundong ng kulog, puso ko ay binulabog. Nang ambon ay nahulog, poot ay sumabog. Sa tuktok ng Parola ginunamgunam iyong kataksilan. Pagtalimuang sa katotohanan, sya bang tanging paraan? Sa bawat patak ng ulan ay pait na pinangangambahan. Umilandang sa hangin ang anumang ugnayang namagitan. Sumpa bang matatangi ang pintig sa 'king tyan? Pa'nong isisilang ang batang dinungisan. Bago pa iluwal iyo ng binawalan. Ano pa'ng dahilan ng di namin paglisan? Hampas ng alon sa dalampaigan ang tangi naming saksi. Lingid sa tahimik na kalawakan nang-akit ng maliksi. Ang pangakong kapanatagan hinain ng 'yong kagandahan. Isang talon palapit sa'yo, mundong ito'y aming iiwan. | "Pinky Steph" dream at 6:41 PM on Tuesday, July 18, 2006 |