Archives 10/31/2004 - 11/07/2004 11/07/2004 - 11/14/2004 11/14/2004 - 11/21/2004 11/21/2004 - 11/28/2004 11/28/2004 - 12/05/2004 12/05/2004 - 12/12/2004 01/02/2005 - 01/09/2005 01/09/2005 - 01/16/2005 05/28/2006 - 06/04/2006 06/04/2006 - 06/11/2006 06/11/2006 - 06/18/2006 06/18/2006 - 06/25/2006 06/25/2006 - 07/02/2006 07/02/2006 - 07/09/2006 07/09/2006 - 07/16/2006 07/16/2006 - 07/23/2006 07/23/2006 - 07/30/2006 08/06/2006 - 08/13/2006 08/27/2006 - 09/03/2006 Tag Me visitors Stigmatized Music Video
*Our Lives Movie Video
*Chrono Cross My Links
*The Calling Credits the calling |
|||
---|---|---|---|
isang madilim at malamig na umaga ng byernes... habang daan papunta sa shed para maghintay ng shuttle... isa'ng babae ang halos di makalakad ng tuwid dulot ng pinaghalo'ng takot at panginginig na dulot ng dampi ng hangin. takbo at lakad ang paulit-ulit na nagpalitan...buntong hininga at panandaliang pikit at malikot na galaw ng mga mata na naghahanap ng maaaring dahilan ng tensyong nararamdaman. wala'ng tao pero parang may mga mata'ng nakatingin at nakatago sa pagitan ng mga tahimik pa'ng bahay. ang lima'ng minuto'ng daan na tinatahak upang makarating sa destinasyon ay nagmistulang mahabang daan sa gilid ng masukal na mga damo. maya-maya...ang takot na kanina'y halos ga-upos pa lang ng sigarilyo ay ngayo'y halos nagsiklab ng bundok ng basura. mga papalapit na yabag...patakbo...nagmamadali...parang abot-kamay na panganib ang naghihintay. pawis at nanginginig ang katawang lumingon ang babae. isang lalaki'ng nakaitim ang tumambad sa kanyang paningin...nakahawak sa tyan ang lalaki...may kung ano'ng hawak. napatigil sa paglakad ang babae. tinulos sa pagkakatayo, nakahawak sa dibdib at pikitmatang inantay ang pagtarak ng kung ano'ng bagay sa kanya. sa tapat nya'y ang tumigil na yabag ng lalaki. katahimikan ang sumunod na segundo...nagbukas ng mata ang babae. mukha ng lalaki ang ngayo'y nasa harapan nya...mukha ng lalaki'ng sobra-sobra ang pagtataka...parang nagsasabi'ng "ms. ano'ng problema mo? ano nangyayari sa'yo" sa taas ng kilay at sa ngiting nakarehistro sa kanyang mukha ay may mensaheng nang-uuyam. biglang parang binuhusan ng malamig na tubig ang babae. sa pagitan ng pagkapahiya at biglang pag-alis ng takot ay ang mahinang tinig na nagsabi'ng " sori..." sabay takbo'ng papunta sa ilang dipa na lang na shed. nagmamadali namang sumakay ng jeep ang lalaki. naiwa'ng tulala pa rin ang babae, di dahil sa takot kundi dahil sa pagkapahiya. ang dahilan marahil ng pagtakbo ng lalaki ay dahil sa huli na ito sa pupuntahan at kaya nakahawak sa tyan ay dahil nahuhulog na ang suot na maluwag na pants...huli na ng napansin yun ng babae, nakasakay na yung lalaki'ng pinag-isipan nya ng masama sa jeep. ako po yung babae. buti na lang wala'ng lumabas na boses sa'kin dahil plano ko talaga'ng sumigaw. nakakatakot kasi yung pinanood namin nung nakaraang gabi kaya medyo paranoid pa'ko...kakahiya. ang totoo...di yung kuwento yung makapanindig balahibo...yung kahihiyan....wihihihi...di na po uulit. | "Pinky Steph" dream at 3:59 PM on Sunday, January 09, 2005 |