Archives 10/31/2004 - 11/07/2004 11/07/2004 - 11/14/2004 11/14/2004 - 11/21/2004 11/21/2004 - 11/28/2004 11/28/2004 - 12/05/2004 12/05/2004 - 12/12/2004 01/02/2005 - 01/09/2005 01/09/2005 - 01/16/2005 05/28/2006 - 06/04/2006 06/04/2006 - 06/11/2006 06/11/2006 - 06/18/2006 06/18/2006 - 06/25/2006 06/25/2006 - 07/02/2006 07/02/2006 - 07/09/2006 07/09/2006 - 07/16/2006 07/16/2006 - 07/23/2006 07/23/2006 - 07/30/2006 08/06/2006 - 08/13/2006 08/27/2006 - 09/03/2006 ![]() Tag Me visitors Stigmatized Music Video
*Our Lives Movie Video
*Chrono Cross My Links
*The Calling Credits ![]() the calling |
|||
---|---|---|---|
rikisahin ang bawat himaymay ng pagbabalatkayo pintigin ang tunog ng buntong-hininga lusutan ang bagsik ng mapamuksa'ng pagkakataon matauhan mula sa maantak na pagkakalugmok upang kapagdaka'y sumigaw ng ubod-lakas -tang-ina ba't kita minahal?- sa maingay na lugar inakay ng kamangmangan pinag-apaw ng nakalalasing na alak ang hapag-kainan lutang sa ritmo ng pagmamahal ang pandinig humahangos papalapit sa mapang-anyaya'ng entablado doon ibubunyag at palalayain ang saloobin -pagod na ang puso ko ng kahihintay sa'yo- rahuyuin ng makapal na buga ng nakahihilo'ng usok hanggang magpatangay sa salamangka ng pasaway na yosi upang maya-maya pa'y makipagsabayan sa pagkaupos ng stik nakiramay ang apoy ng sigarilyo sa nagsusumiklab na damdamin sa pagitan ng bawat hithit, buga at lunok ay ang bulong -bwiset! hindi ba pwede'ng lisanin mo na ang isipan ko?- sa pagsalakay ng dilim tinalunton ko ang daan pauwi sa sabwatan ng awitin, alak at yosi ako'y mapapasuko nagmamakaawa'ng talusin ang talusaling na puso at doon sa pagitan ng hikbi at pagbaliktad ng sikmura umalingawngaw ang nakabibingi'ng pagsusumamo _shigeehhh nahh, ishhang pagkhakataonh lhang at khauntinhg phanahonh- | "Pinky Steph" dream at 3:18 PM on Thursday, November 18, 2004
Comments:
Post a Comment
|